Image 2026 05 10

𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀 𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐏𝐔𝐍𝐀𝐍

Isinagawa noong Abril 2, 2026 (Huwebes Santo) ang Banal na Misa ng Huling Hapunan, na nagpapagunita sa huling hapunan ni […]

Isinagawa noong Abril 2, 2026 (Huwebes Santo) ang Banal na Misa ng Huling Hapunan, na nagpapagunita sa huling hapunan ni Hesus kasama ang Kanyang mga alagad.

Sa pagdiriwang na ito, ginugunita natin ang pagtatatag ng Banal na Eukaristiya at ang halimbawa ng kababaang-loob at paglilingkod, na ipinakita ni Kristo sa paghuhugas ng paa ng Kanyang mga alagad. Paanyaya ito sa ating lahat na magmahal, maglingkod, at magbahagi tulad Niya.

“Ito ang aking katawan na ibinibigay para sa inyo; gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” — 1 Corinto 11:24

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top