𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀, 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗥𝗲𝗻𝗲𝘄𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗣𝗿𝗶𝗲𝘀𝘁𝗹𝘆 𝗩𝗼𝘄𝘀!
Isang maligayang pagbati at panalangin para sa ating kura paroko, Rev. Fr. Alexander O.Herras , sa muling pagbabago ng kanyang mga pangako sa pagkapari sa ginanap na Chrism Mass ngayong araw sa Cathedral ng Gumaca..
Kasabay nito, ipinaabot din ang pagbati at Panalangin sa lahat ng Kaparian ng Diocese ng Gumaca.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang “Oo” sa tawag ng Panginoon. Ang inyong dedikasyon, malalim na karunungan, at mapagkumbabang paglilingkod ay tunay na nagsisilbing gabay at inspirasyon sa ating buong komunidad. Sa pamamagitan ng inyong maka-amang pagkalinga bilang aming pastol, patuloy niyo kaming inilalapit sa puso ni Kristo.
Dalangin namin na patuloy kayong palakasin at puspusin ng kagalakan ng Espiritu Santo sa inyong banal na ministeryo. Isang napakalaking biyaya para sa aming parokya na kayo ang aming naging katuwang at ama sa pananampalataya



